[Guitar Solo]
[Male Vocal]
Bakit? Ang tanong minsa’y aking nasambit
Nagmuni-muni kung anong mayro’n sa ‘king sarili
Sa ‘kiy wala namang ‘spesyal
Ako’y wala ring maipagyayabang
Hindi rin maputi
Itsura ko’y pangkaraniwan
Yaman ako’y wala
Hindi rin katalinuhan
Ano bang sa ‘kiy nakita?
Bakit ako? Bakit ako nga ba?
[Chorus]
Ngunit wala man ako ng meron sila
Tapat ang puso ko sa ‘yo sinta
Wagas na pag-ibig kaya kong ibigay
Hinding-hindi sa ‘yo wawalay
Lahat ay kaya ko para sa ‘yo mahal
[Verse]
Sasamahan kita sa ‘yong lakbay
Tatabihan ka tuwing gabing mag-isa
Ipagluluto ka ng paborito mo
Patatawanin ka sa abot ng kaya ko
Sundo’t hatid sa trabaho mo
Ipaglilinis ka ng ‘yong kwarto
Andito lang ako pangako ‘yan
Hangga’t kaya ko, ako’y sa ‘yong sa ‘yo
[Final Chorus]
Tanong ko’y may kasagutan na
Ika’y sa akin, ako’y sa ‘yo sinta
Ang bakit man ay may liwanag na
Ang malabo ay malinaw na
[Bridge]
Eto ako, para sa ‘yo
Hinding-hindi magbabago
Tayong dalwa’y para sa isa’t-isa
Bakit ako? Dahil mahal kita…