[Pre-Intro]
aaahh aaahh
mmmm mmmm
[Intro]
oooh oooh oooh
[Male Vocal]
Heto na naman ako
Bumabalik muli sa ‘yo
Alam kong paulit-ulit na ito
Takot at pagod na nga ba ang puso mo?
Pagkakamali ko’y marami
Sinaktan ko ang puso mo
Pag-ibig mong totoo
Paumanhin, sinayang ko
[Pre Chorus]
Ooohh ngayon sa ‘kiy may bumubulong
Muling subukan at baguhin
Ako sana ay patawarin
Buksang muli ang puso mo
[Chorus]
Sana’y pagbigyang muli
Tanggapin muli ako
Sana’y patawarin mo
Ngayo’y magtatapat sa ‘yo
Minsan na ‘kong naligaw
Langit naghatid pabalik sa ‘yo
Bigyan sana ng pagkakataon
Tanggapin muli ako
[Male Vocal]
Heto na naman ako
Bumabalik muli sa ‘yo
Alam kong paulit-ulit na ito
Takot at pagod na nga ba ang puso mo?
Minsan nang kita’y iniwan
Alaala’y kalungkutan
Ako ay nabulagan, hindi ka iningatan
Ngunit ngayon ako’y naririto, muli mo sanang pag-bigyan
[Pre Chorus]
Ooohh ngayon sa ‘kiy may bumubulong
Muling subukan at baguhin
Ako sana ay patawarin
Buksang muli ang puso mo
[Chorus]
Sana’y pagbigyang muli
Tanggapin muli ako
Sana’y patawarin mo
Ngayo’y magtatapat sa ‘yo
Minsan na ‘kong naligaw
Langit naghatid pabalik sa ‘yo
Bigyan sana ng pagkakataon
Tanggapin muli ako
[Bridge]
Takot mo’y aking aalisin
Pagod mo’y palitan natin
Mga nangyari ay baguhin
Ilaban pag-ibig natin
Ako sana’y patawarin
Ikaw ngayon ang uunahin
Nasayang man ang noon sa ‘tin
Ngayo’y pag-asa ang dadalhin
[Final Chorus]
Sana’y pagbigyang muli
Tanggapin muli ako
Sana’y patawarin mo
Ngayo’y magtatapat sa ‘yo
Minsan na ‘kong naligaw
Langit naghatid pabalik sa ‘yo
Bigyan sana ng pagkakataon
Tanggapin muli ako
[Outro]
Salamat sa isang muli
Ako’y mahal hanggang huli
Salamat sa isang muli
Mamahalin ka nang palagi
Salamat sa isang muli