[Intro]
[Male Vocal]
Noon, ako’y nag-iisa
Sinubukan kong lahat para lang sumaya
Nilimot ang lahat, nagsimulang muling mangarap
Salamat, may isang ikaw ngayon sa aking buhay
Sa tuwing ika’y kasama
Araw ko’y anong saya
Parang kaya ang lahat walang takot na nadarama
Dasal sa Diyos ay manatili’t huwag nang mawawala pa
[Pre Chorus]
At ngayong nandito ka
‘Wag sanang magwalay pa
Pag-ibig ko’y iyong baunin
Pangakong sasamahan ka
[Chorus]
Mahal kita, huwag kang mangangamba
Mahal kita, sa aki’y ‘wag magduda
Ang puso ko’y laan sa ‘yo
Mananatili sa tabi mo
Pangako ‘yan ‘di ako magbabago
[Verse]
Ngayon nama’y ikaw naman
Ang aking pagsisilbihan
Ang tulad mo’y dapat ingatan
Mamahalin hanggang kailanman
Puso mo’y di susugatan
Lagi mong tandaan
Hinding-hindi kita iiwan
Ako’y sayo magpasawalang hanggan
[Pre Chorus]
At ngayong nandito ka
‘Wag sanang magwalay pa
Pag-ibig ko’y iyong baunin
Pangakong sasamahan ka
[Chorus]
Mahal kita, huwag kang mangangamba
Mahal kita, sa aki’y ‘wag magduda
Ang puso ko’y laan sa ‘yo
Mananatili sa tabi mo
Pangako ‘yan ‘di ako magbabago
[Bridge]
Panahon man ay lumipas
At malimutan mo ako
Hinding-hindi ko hahayaan
Mawalay ka sa buhay ko
Oooohh
[Chorus]
Mahal kita, huwag kang mangangamba
Mahal kita, sa aki’y ‘wag magduda
Ang puso ko’y laan sa ‘yo
Mananatili sa tabi mo
Pangako ‘yan ‘di ako magbabago
Ikaw ang buhay ko