[Intro]
Alam kong hindi mo nais ang naganap
Tuluyan nang natapos pag-ibig nating pinilit magtagal
Ating pinagsamahan lumisan ng ganun na lamang
Langit ba ang nagpasya tuluyan bang mawawala na?
Pag-ibig noo’y ipinaglaban ngayo’y sinuko’t pinakawalan
Unti-unting humina, napagod, tayo’y ‘di na lumaban
Kahit labag sa kalooban atin na lang hinayaan
Paglaya’y kasagutan, alam kong iyong nauunawaan
[Pre Chorus]
‘Di dahil sumuko’y hindi na mahal
‘Di dahil ‘di lumaban ay parang okay lang
Tayo man ay minsan nang nagpasya
Baka sakaling sati’y may maisalba pa
[Chorus]
Pipilitin, sisimulan, kakayanin kahit nasugatan
Ala-ala’y ‘di lilimutin, alam kong ako’y pinahalagahan
Sa’king isip ika’y palagi, mayro’n man ngayong hapdi
Hiling sa Diyos aking kayanin matanggap ng puso’t damdamin
Hindi mawari madalas na tampuhan
Ako o ikaw ba ang may kasalanan?
Hindi naman sana natin kailangan
Umabot pa sa ganitong hiwalayan
Alam kong ikaw rin ay napagod
Sa pauli’t-ulit nating sitwasyon
Luha ko’y iyo ring lungkot
Tama bang pasyang pag-limot?
[Pre Chorus]
‘Di dahil sumuko’y hindi na mahal
‘Di dahil ‘di lumaban ay parang okay lang
Tayo man ay minsan nang nagpasya
Baka sakaling sati’y may maisalba pa
[Chorus]
Pipilitin, sisimulan, kakayanin kahit nasugatan
Ala-ala’y ‘di lilimutin, alam kong ako’y pinahalagahan
Sa’king isip ika’y palagi, mayro’n man ngayong hapdi
Hiling sa Diyos aking kayanin matanggap ng puso’t damdamin
[Bridge]
Tayo sana ay magpatawad
Payapang puso ay maranasan
Napagod man’t parang nasayang
Baka ito ang mas kailangan
[Final Chorus]