[Intro]
Haaay Haaay
Mmmm Mmmm
Haaay Haaay
Oooh Oooh Mmmm
[Male Vocal]
[Verse]
May kung anong bumabagabag
Sa aki’y ang tanong bakit hindi pwedeng ikaw?
Huli na nga ba ako? O sadyang ayaw ng puso mo?
Ano bang totoo sa nadarama mo?
[Female Vocal]
May kung anong meron sa ‘yo
Ngunit parang mali itong gusto
Hindi nga ba pwedeng maging puso’y para sa ‘yo?
Susundin ba o pipigilan na lamang ba ito?
[Pre Chorus]
Kapag kapiling ka anong saya
Kapag kasama ka parang iba
Kumakabog, bumibilis dibdib
Tama nga bang ika’y mahalin ko?
[Chorus]
Ikaw kaya ang dapat na ibigin ko?
Ano nga ba ang mayroon tayo?
Malabo man bakit may saya?
Masasaktan lamang ba kita?
Paano na? Mahal kita? Pero tama bang piliin ang isa’t-isa?
[Verse]
May kaba sa dibdib ko kapag malapit ka
Ang tanong ano ito bakit ganito ang nadarama?
Ano ba ang meron ka’t ako’y tila nabihag na?
Ginayuma ba ako, konti na lang, mahal na kita
[Verse]
Iniisip ko dating baka may tunay ngang tayo
Parang storya na laging hinihintay ko
Dumating ka ng bigla’t akala ko’y seryoso
Umaasang baka ngayon may magbago
[Pre Chorus]
Kapag kapiling ka anong saya
Kapag kasama ka parang iba
Kumakabog, bumibilis dibdib
Tama nga bang ika’y mahalin ko?
[Chorus]
Ikaw kaya ang dapat na ibigin ko?
Ano nga ba ang mayroon tayo?
Malabo man bakit may saya?
Masasaktan lamang ba kita?
Paano na? Mahal kita? Pero tama bang piliin ang isa’t-isa?
[Bridge]
Sabi mo sana’y ikaw’t ako
Ang hiling ko rin magpangiti sa ‘yo
Umaasang baka may pag-asa pa
Susundin ang puso ko baka ikaw na nga
[Chorus]
Ikaw kaya ang dapat na ibigin ko?
Ano nga ba ang mayroon tayo?
Malabo man bakit may saya?
Masasaktan lamang ba kita?
Paano na? Mahal kita? Pero tama bang piliin ang isa’t-isa?
[Outro]
Pa’no na ang gagawin ko?
Ano bang iyong totoong gusto?
Ito’y tuluyan bang magkakatotoo?
Oh hahayaan na lamang
Dapat na bang magpaalam?
Sa huli’y mahal kita? Kahit sa ‘yoy kaibigan lamang