[Intro]
Ooooh… ooooh… ahhh.. ahhh..
Mmmmm… Mmmmm…
Aaaahh… Aaaahh…
Oooooo…
[Male Vocal]
Oh, parang kailan lang nang ikaw ay makilala
Nagtama ang ating mga mata’t kamay ko’y hawak mo na
Alaala’y ‘di kayang magsinungaling
Mahal kita kahit noong una pa
[Female Vocal]
Nagtagpo sa wakas ang araw at buwan
Muling umikot ang mundo ko’t nakulayan, nabuhayan
Ngunit ang iyong ngiti’y tila palaisipan
Hanggang kailan nga ba ang magpakailanman?
[Pre Chorus]
Paano nga ba malalaman?
Kung ito na ang noon pang kailangan?
Totoo ba itong pagmamahalan?
Oh ito’y panandalian lamang?
[Chorus]
Sabihin mong katotohanan
Ang puso ko’y sa’yo lamang
Pag-ibig mong walang hanggan
Aking inaasam
Pangako mo’y panghahawakan
Hanggang sa huli, mahirapan man
[Female Vocal]
Pagsisisi’y kumakaway
Tama bang sayo’y sumugal?
Minsan sa’king pagpikit
Iniisip kong ako’y iiwan
[Male Vocal]
Hawak ko ang iyong kamay
Duda’y iyong itapon aking mahal
Tayo man ay may pagkukulang
Hindi kita bibitawan
[Pre Chorus]
Paano nga ba malalaman?
Kung ito na ang noon pang kailangan?
Totoo ba itong pagmamahalan?
Oh ito’y panandalian lamang?
[Chorus]
Sabihin mong katotohanan
Ang puso ko’y sa’yo lamang
Pag-ibig mong walang hanggan
Aking inaasam
Pangako mo’y panghahawakan
Hanggang sa huli, mahirapan man
[Bridge]
Luha mo ay papahiran
Kamay mo ay hahawakan
Puso mo ay iingatan
Ano mang unos sa ‘tiy dumaan
Pipilitin, lalabanan
Kakayanin,‘di susukuan
Hangga’t ako’y iyong kailangan
Mahal kita magpakailanpaman
[Final Chorus]
Ooooh…
Aaaahh…
Kapag ako’y ‘di na kailangan
Kung may bagong kamay ka nang hahawakan
Puso ko’y aking iiwan
Ikaw lang laman nitong isipan
Kapalit ng iyong saya at kapayapaan
[Outro]
Tunay kitang mahal
Ano mang umaga ang ating bukas
Masakit man ang maranas
Salamat, nagmahal ng wagas