

Prompt / Lyrics
Verse 1 Gigising sa umaga, bigat na naman ang dala Araw sa labas ay maliwanag, pero loob ko’y madilim pa Dating palabas, tawanan, lakad kung saan-saan Ngayon kahit hakbang palabas, parang kasalanan Pre-Chorus Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito Gusto kong sumaya, pero bakit ang hirap gawin ‘to Chorus Nakulong ako sa imbisibol na rehas Walang bakal pero di ako makalabas Gusto kong kumalas, gusto kong lumaya Kaya lang minsan, pagod na ang isip Huwag niyo sana akong talikuran Kahit tahimik lang, samahan niyo lang Hindi ako ganito, luha koy di nauubos Naghihintay pa rin akong muling maging masaya Verse 2 May mga araw na okay, may mga gabing wasak Ngiting pilit, tinatago ang bigat Hindi ito drama, hindi ito arte Ito’y laban na araw-araw kong kinakaharap eh Pre-Chorus 2 Kung pwede lang ipaliwanag sa ilang salita Na ang sakit sa isip, kasing totoo ng sugat sa balat Chorus Nakulong ako sa imbisibol na rehas Sarili kong isip ang siyang humawak Gusto kong gumaling, gusto kong lumaya Kaya lang minsan, nawawala ang lakas Huwag niyo sana akong iwanan Kahit di niyo alam ang sasabihin Ang presensya niyo sapat na minsan Kelangan ko ng konting yakap at pag unawa Para ‘di ako tuluyang lamunin Bridge Darating din ang araw na muli akong lalakad Unti-unti, kahit mabagal, kahit may takot at gulat Kung mahulog man ulit, sana nariyan pa rin Paalalahanan niyo akong may dahilan para huminga pa rin Last Chorus / Outro Imbisibol na rehas, hindi habang-buhay May susi ring nakatago sa tiyaga at dasal Gumagaling ako, kahit di niyo pansin Salamat sa pananatili, sa paniniwalang kakayanin
Tags
Acoustic, slow tempo rock
3:42
No
2/7/2026