Verse 1
Sa paglalakbay ko sa buhay
Natutunan kong ang pagiging matuwid
Ay hindi garantiya ng ginhawa
Madalas pa nga, sakit ang kapalit
Natanggal ako sa trabaho
Nang walang paliwanag
Naligaw, nalito, naguluhan
Sa kawalan ng hustisya
Panahon na hiwalayan sa aking kabiyak
Wala akong magawa kundi sumabay sa direksyon ng agos
Walang tamang ganap, sablay mula enero hanggang hunyo
Pre-Chorus
Sinamantala ang aking kabutihan
Inakalang kahinaan ang pagiging mapagbigay
Siniraan ng mga taong
Pinili ang galit kaysa katotohanan
Chorus
Ngunit sa kabila ng lahat
Nakatayo pa rin ako
Maaaring nadapa
Ngunit hindi natalo
Minsan na payuko
Pero hindi nabali
Narito pa rin ako
Nakatayo pa rin ako
Verse 2
May mga sandaling muntik na akong bumigay
Inabando na din ako ng sarili kong pamilya
Halos ma bumitaw ako, nawalan ng pag asa
Ang maiwan ng luhaan,nag-iiwan ng sugat
Unti unti ding nag hilom, ngunit ang peklat ay kita pa din
Pre-Chorus 2
Madami pa ding naganap, andyan na ilang beses na nalugi ang negosyo at naubusan ng lakas , umaasa na may bagong bukas na hatid
Chorus
Ngunit sa kabila ng lahat
Nakatayo pa rin ako
Maaaring nadapa
Ngunit hindi natalo
Nayuko
Pero hindi nabali
Narito pa rin ako
Nakatayo pa rin ako, tatayo habang may buhay dito at sa kabila
Bridge (Spoken / Build)
Ang bawat pag subok ay madalang pagbabago
Ang pagbabago ay nag sisimula sa sarili
Dapat kong tanggapin ang palpak na aking nagawa
Ang tunay na tao ay sadyang nagkakamali
Aking narinig ang maliit na tinig
Bangon ka at magbago
Puwede sana akong pumili ng pait
Galit, sama ng loob sa sarili
Ngunit pinili kong patawarin ang sarili ko
Ako ay ako, taong di malinis, walang magagawa kundi sa awa ng maykapal
Final Chorus
Walang tatalo
Sa isang taong kilala ang maykapal
Dahil ang kanyang lakas
Ay hindi mula sa papuri
O sa sitwasyon
Kundi mula sa loob
Mula sa pananampalataya
Mula sa taas
At sa tahimik na katiyakang
Ang tama ay laging may saysay
Outro
Ngayon, hindi ako perpekto
Ngunit ako’y matatag Dahil nabubuhay ako sa grasya niya.
Mas nakatapak sa lupa
Sinubukan ng buhay
Na hubarin ang aking dangal, pagmamahal, pangalan, at kapayapaan
Ngunit narito pa rin ako
Pinipiling maging tapat
Pinipiling maging mabuti
Pinipiling bumangon
Nakatayo pa rin ako