Verse 1
Gigising sa umaga, bigat na naman ang dala
Araw sa labas ay maliwanag, pero loob ko’y madilim pa
Dating palabas, tawanan, lakad kung saan-saan
Ngayon kahit hakbang palabas, parang kasalanan
Pre-Chorus
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito
Gusto kong sumaya, pero bakit ang hirap gawin ‘to
Chorus
Nakulong ako sa imbisibol na rehas
Walang bakal pero di ako makalabas
Gusto kong gumaling, gusto kong lumaya
Kaya lang minsan, pagod na ang kaluluwa
Huwag niyo sana akong talikuran
Kahit tahimik lang, samahan niyo lang
Hindi ako nawawala, nasasaktan lang
Naghihintay pa rin akong muling makabangon
Verse 2
May mga araw na okay, may mga gabing wasak
Ngiting pilit, tinatago ang bigat
Hindi ito drama, hindi ito arte
Ito’y laban na araw-araw kong kinakaharap eh
Pre-Chorus 2
Kung pwede lang ipaliwanag sa ilang salita
Na ang sakit sa isip, kasing totoo ng sugat sa balat
Chorus
Nakulong ako sa imbisibol na rehas
Sarili kong isip ang siyang humawak
Gusto kong gumaling, gusto kong lumaya
Kaya lang minsan, nawawala ang lakas
Huwag niyo sana akong iwanan
Kahit di niyo alam ang sasabihin
Ang presensya niyo sapat na minsan
Para ‘di ako tuluyang lamunin
Bridge
Darating din ang araw na muli akong lalakad
Unti-unti, kahit mabagal, kahit may takot at sugat
Kung mahulog man ulit, sana nariyan pa rin
Paalalahanan niyo akong may dahilan para huminga pa rin
Last Chorus / Outro
Imbisibol na rehas, hindi habang-buhay
May susi ring nakatago sa tiyaga at dasal
Gumagaling ako, kahit di niyo pansin
Salamat sa pananatili, sa paniniwalang kakayanin