

Prompt / Lyrics
Verse 1 Ang mundo’y puno ng kwento, lahat gustong magsalita Naghahanap ng karamay sa gitna ng nagmamadali Iba’t ibang buhay ang dumaraan, iba’t ibang tinig ang sabay Ngunit bakit sa likuran naririnig Ang salitang dapat sa harap ibinibigay? Verse 2 Hindi ko alam kung bakit sila’y nagtitipon Para buhay ng iba ang gawing pahina ng usapan Alam kong lahat tayo’y may pasan na bigat at luha May mga sugat na di nasasabi, di nakikita ng mata Ngunit mas masakit ang tama Kapag ang minsang pinagkatiwalaan Ay siya ring unang bumitaw At sumaksak mula sa aking likuran Chorus Sa aking likuran, ang daming kwentong nabuo Mga bulong sa hangin na unti-unting naglaho ang totoo Akala nila’y kilala nila ako, ako raw ang bida sa dula Habang ang tsismis ay lumalalim, nalulunod ang katotohanan Sa aking likuran ako’y ipinagpalit, ipinagkanulo, isinuko Pininta ng kanilang salita ang buhay na hindi ko pinili Bridge Kung may lakas ka ring humusga Sana may tapang kang humarap Ako’y tao ring marunong masaktan Hindi kwentong pwedeng ipasa’t ipagbenta Ako’y ako pa rin sa kabila ng lahat Isang pusong tahimik na patuloy lumalaban Outro Kung may usapan man tungkol sa akin Sana’y sa harap, hindi sa dilim Dahil sa katahimikan ko natutunan Na hindi lahat ng bulong ay katotohanan Refrain Bulong sa hangin, Bulong sa hangin Masakit pa sa puwing ng aking mata Bulong sa hangin, bulong sa hangin Malala pa sa taong walang pinag aralan
Tags
folk pop, Cajon percussion, chimes, male deep voice
4:17
No
2/2/2026