Verse 1
Ang mundo’y puno ng kwento, lahat gustong magsalita
Naghahanap ng karamay sa gitna ng lipunan
Iba’t ibang buhay ang dumaraan, iba’t ibang tinig ang sabay
Ngunit bakit sa likuran naririnig
Ang salitang dapat sa harap ibinibigay?
Verse 2
Hindi ko alam kung bakit sila’y nagtitipon
Para buhay ng iba ang gawing pahina ng usapan
Alam kong lahat tayo’y may pasan na bigat at luha
May mga sugat na di nasasabi, di nakikita ng mata
Ngunit mas masakit ang tama
Kapag ang minsang pinagkatiwalaan
Ay siya ring unang bumitaw
At sumaksak mula sa aking likuran
Chorus
Sa aking likuran, ang daming kwentong nabuo
Mga bulong sa hangin na unti-unting naglaho ang totoo
Akala nila’y kilala nila ako, ako raw ang bida sa usap usapan
Habang ang tsismis ay lumalalim, nalulunod ang katotohanan
Sa aking likuran ako’y ipinagpalit, binenta at iniwan
Pininta ng kanilang salita ang buhay na hindi naman ako ang imahe
Bridge
Kung may lakas ka ring humusga
Sana may tapang kang humarap
Ako’y tao ring marunong masaktan
Hindi kwentong pwedeng ipasa’t ipagbenta
Ako’y ako pa rin sa kabila ng lahat
Isang pusong tahimik na patuloy lumalaban
Outro
Kung may usapan man tungkol sa akin
Sana’y sa harap, hindi sa dilim
Dahil sa katahimikan ko natutunan
Na hindi lahat ng bulong ay katotohanan
Refrain
Bulong sa hangin, bulong sa hangin
Malala pa sa walang natapos sa paaralan
Bulong sa hangin, bulong sa hangin
Matamis na salita ngunit maraming nasisira