(Verse 1)
Di ko alam kung bakit ganito,
Kapag nandyan ka, puso’y nalilito.
Sa simpleng ngiti mo, nabubuo ang araw ko
(Pre-Chorus)
Kapag kausap ka, hindi ko mapigilan,
Ang kaba sa puso’y parang batong nag-uumpugan
Sana naman, makita mo rin,
Ang nararamdaman ko, kahit lihim.
(Chorus)
Tingin lang nang tingin,
Sana’y pansinin.
Dahil Di ko kayang sabihin,
Kahit gusto kong damhin.
Ang mahigpit na yakap mo,
Sagot sa panalangin ko
Tingin lang nang tingin,
Baka sakaling mahalin mo rin.
(Verse 2)
Kapag magkasama, hindi pansin ang oras
Tinititigan ang mukha mo na para bang ito ang lunas
Sa uhaw at pagkasabik sa’yo
Sana naman unawain mo.
Sana dumating, araw na hinihintay,
Ikaw at ako, sabay sa iisang bahay.
(Chorus)
Tingin lang nang tingin,
Sana’y pansinin.
Dahil Di ko kayang sabihin,
Kahit gusto kong damhin.
Ang mahigpit na yakap mo,
Sagot sa panalangin ko
Tingin lang nang tingin,
Baka sakaling mahalin mo rin.
(Bridge)
Di ko hihingin na magbago ka,
Gusto ko lang makita na ako’y mahalaga.
Hindi alam kung aamin na
O magmamahal na lang sa malayo sinta
(Final Chorus)
Tingin lang nang tingin,
Ngunit umaasa rin.
Baka sa iyong damdamin,
Ako’y magtagumpay din.
Tingin lang nang tingin,
Sana’y pansinin.
Dahil Di ko kayang sabihin,
Kahit gusto kong damhin.
Ang mahigpit na yakap mo,
Sagot sa panalangin ko
Tingin lang nang tingin,
Baka sakaling mahalin mo rin