Inspirasyon
Ako ay bumuo ng mga salita, Pinagdugtong ko para tumugma. Pinaglaanan ng kunting panahon para magawa, Inayos ng mabuti para maging tula.
Ako ay simpleng bata, Na naisipang gumawa ng tula. Para ipahayag ang aking paghanga, Sa babaeng nais makasama sa pagtanda.
O binibini labis ang aking saya, Magmula noong una kitang nakita. Mistulang ang puso ko'y hinihila, Papunta sayo para ika'y aking makasama.
Sana nga tama ang aking hinala, Na tayong dalawa talaga ang itinadhana. Dahil hindi ako mapapagod na ipakita, Ang pagmamahal ko na hindi magsasawa.
pagmamahal ko'y parang multong di mo makita, Pero pilit ko parin itong ipapadama, Para dito man lang iyong maalala, kahit walang tayoy labis mona akong napasaya.
Pero ako'y nandito padin, Kahit ilang beses mo na akong isnabin, Pilit na hinihiling ang iyong pagtingin, Upang sa huli ikay maging akin.
Kahit sa mga salita mo'y ako'y nasasaktan, Sa likod ng tawa't ngiti ko'y ikaw parin ang dahilan Kahit ano pa ang aking pag daanan, Basta't ang mahalin ako ay iyo ng matutunan.
Saksi ang buong daigdig, Kung gaano ako katapat sa aking pag ibig, Dahil ang mahalin ka ay akin ng naging hilig, Matamis mo lang na oo ang nais kong marinig, mismong manggagaling lamang sa iyong bibig.
Para sakin itoy napakahalagang misyon, Upang ipadama sayo ang aking emosyon, hanggang sapagtanda'y hawak ko na ay baston, Ikaw parin ang aking natatanging INSPIRASYON.