I
Ang dating buhay ko pag maalala
Mg kabiguan at kawalang pag asa
Ang mga pasanin ang nagpapabigat
Sa hiram na buhay kong muntik magwakas
II
Salamat at hindi pa pagkakataon
Sa buhay kong ito para wakasan
Ang sarili ay pinarurusahan sa kalasingan
Na di dapat gawin sa aking katwan
III
Ang mabuhay sa mundo ay may dahilan
At may marami pang pagkakataon
Binago mo ako, di mo man iparamdam
Sa ngiti mo lang pasan ko ay naparam
Chorus
Ikaw, ikaw ang dahilan ng lahat lahat
Kung bakit ako ay matatag
Ang buhay ko noon na walang halaga
Salamat sayo wasak na buhay ko ay binuo mo
IV
Heto ako ngayon ay ibang iba na
Nalimutan na ang dating mga alaala
Mundo kong ito ay umikot na
May mga pangarap na unti unting nabubuo
V
Dumating ang araw na ating pinakaaasam
Tugon sa ating mga kahilingan
Pagmamahalang sinubok ng panahon
Itinali ng wagas na sumpaan
VI
Ngyon nabuo ang isang pamilya
Pinagkalooban ng dalawang bunga
Bunga ng pagmamahalang matatag at totoo
Wagas at magpahanggang dulo
Chorus II
Ikaw, ikaw ang dahilan ng laht lahat
Kung bakit ako ay nangangarap
Ang buhay natin na puno ng pag asa
Itaguyod natin ito hanggang huling hininga