I
Nagkakilala tayo sa isang pagkakataon
Masaya ang bawat paksa sa kwentong kalukuhan
Doon nabuo ang pagkakaibigan
Masaya at may halakhakan
II
Magkasundo sa lahat ng paraan
Maging seryoso man at may kalukuhan
Ngunit iisa lamang ang patutunguhan
Ang lugar na ganito kailan natin mapuntahan?
III
Maraming bagay tayo ay magkasundo
Mga paglalakbay sa malayong dako
Ang ating marating at gusto
Lugar na payapa magaganda at maliligo
Chorus
Ang buhay natin ay maikli lamang
Hihina at lalabo ang mga paningin
Ang mabuti nating gawin ay susulitin
Ang ating bakasyon kasama ng ating sambahayan
IV
Samahan natin na ubod ng saya
Kahit sa kunting pagkaing handa
Ang mahalaga ating pagkakasyahin
Biyayang pagsasaluhan natin
V
Mapalad tayo na nabubuhay sa mundo
Dumanas man tayo ng mga pagsubok
Tuloy ang pagdadamayan nating ito
Sa hirap at ginhawa handang damayan ang bawat isa
VI
Marami pa tayong lalakbayin
Marami pa tayong marating
Saan man dako ang may magagandang tanawin
Ay ating balakin marating
Repeat chorus
Solo guitar
Repeat chorus
Coda
Kasama ng ating sambahayan
Bakasyon ay susulitin
Hmmmmm hmmmm hmm