[Intro]
1
Sa bawat araw na ako'y gumigising na masaya't
Kasama ang iyong pagmamahal na tapat
Ang kabutihan mo'y walang katapusan
Bawat sandali ay ginhawa, kapag ikaw ay kasama
Hindi lang sa akin ika'y mapagkalinga
Kundi pati sa ating mga anak at pamilya
Bunga ng pag-ibig na inalagaan mo
Tunay na sandigan sa hirap at ginhawa
Pre chorus
Biyaya ka ng Diyos na aking tinanggap
Higit pa sa inaasahan, walang kapantay
Sa mundong ito na puno ng pagbabago
Ang katapatan mo'y di matutumbasan ng ginto
Chorus
Salamat sa'yo aking minamahal
Sa pusong mapagkumbaba at wagas na pagmamahal
Ikaw ang biyaya na walang katumbas
Bigay ka sa akin ng Ama
Salamat sa pag-aaruga, sa pagiging tapat
Sa pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
Kasama mo ang ating mga anak sa ligaya
Ikaw ang pangarap na naging totoo at saya
2
Nakikita ko ang pagod sa iyong mga mata
Ngunit laging may ngiti sa ating tahanan
Sa bawat pangangailangan, ika'y laging nariyan
Kahit na ang sarili mo minsa'y nakakalimutan
Ang pagiging mabuting magulang at asawa
Ay sadyang galing sa puso mong busilak
Pinagpala ako at ang ating mga anak
Sa pagkakaroon ng isang mabuting nanay na dakila
Walang yaman sa mundo ang makakapantay
Sa halaga ng pagkatao mo at pagmamahal
Pinagpala ako, sa Ama ay nagpapasalamat
Sa pagbibigay ng asawang sadyang tapat
Chorus
Salamat sa'yo, aking minamahal
Sa pusong Mapagkumbaba at wagas na pagmamahal
Ikaw ang biyaya na walang katumbas
Bigay ka sa akin ng Ama
Salamat sa pag-aaruga, sa pagiging tapat
Sa pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
Kasama mo ang ating mga anak sa ligaya
Ikaw ang pangarap na maging totoo at saya
Outro
Ikaw ang aking pasasalamat...
Biyaya ng Diyos...
Walang katumbas...
Mahal na mahal kita...