Intro
Verse 1
Noong bata pa lamang ako
Walang ibang alam, kundi ang laging saktan
Puro luha at sakit ang aking ipinaramdam
Sa inyong mga puso, lagi kayong nagdurugo
Sarili ko lang ang iniisip ko
Kahit pagod na kayo, hindi ko pa rin maramdaman
Ang inyong pagmamahal na walang hangganan
Pre chorus
Akala ko noon, tama ang aking mundo
Ang inyong pag-aaruga balewala ito
Ngunit nagbago ang lahat ng magkaroon ako
Ng sariling pamilya at mga anak
Chorus
Doon ko lang naintindihan ang bigat ng inyong pasan
Ang bawat paghihirap, bawat gabing kayo'y nasasaktan
Kung paano unawain akong anak n'yong suwail
Ngayong ako'y magulang na rin, napaluha akong totoo
Ang sakit pala ang naidulot ko sa inyo
Sana mapatawad po ninyo ako...
Verse 2
Ngayong hawak ko na ang kamay ng aking anak
Nakikita ko ang inyong mukha sa kanyang mata
Naibigay ninyo ang lahat kahit tayo ay walang-wala
Habang ako noon, ipilit ang mga gusto
Di ko ramdam na pagod na ang puso n'yo
Ngayon ko lang naramdaman ang tunay na halaga
Ng inyong pagmamahal na di matumbasan
Kahit na minsan ako'y naging isang masamang anak
Bridge
Sana'y bumalik ang oras para maitama
Ang mga araw na nasayang at nawala
Pero alam kong huli na, kaya't sa aking tahanan
Itatama ko ang mali, at sa inyo'y hihingi ng tawad
Kayo ang naging ilaw sa madilim kong landas
Salamat sa pagmamahal na hindi kumupas
Chorus
Doon ko lang naintindihan ang bigat ng inyong pasan
Ang bawat paghihirap, bawat gabing kayo'y nasasaktan
Kung paano unawain akong anak n'yong suwail
Ngayong ako'y magulang na rin, napaluha akong totoo
Ang sakit pala ang naidulot ko sa inyo
Sana mapatawad po ninyo ako
Outro
Mabuti pa sana ako noon...
Nakinig ako sa payo n'yo
Ngayong may sarili nang pamilya
Kayo'y laging dadalhin sa puso ko...