VERSE
Parang ako na lang palagi
ang may kasalanan...
Kahit ikaw na ang
Lumabag sa usapan...
Ako 'yung palaging sayo
Humihingi ng patawad...
Kapag nagsasalita ako, parang wala kang naririnig
Parang puso ko’y unti-unting nawawala sa’yo sa bawat saglit
CHORUS
Bakit ganon,
laging ikaw ang tama?...
.Ginawa ko na ang lahat, pero kulang pa rin sa'yo
Binigay ko ang oras, pang-unawa, at buong pagkatao
Ngunit bakit ako pa rin ang laging mali sa paningin mo
Kahit ako na ung Pilit
na umiiwas sa gulo’t pasakit
VERSE
Bakit ganon, sa’ting dalawa
Sana kahit minsan, maramdaman mo
Yung sakit na tinatago sa bawat "okay lang ako"
BRIDGE
Pero ‘pag ako na, parang wala lang sayo?
Mahal kita, ‘yan ang totoo
Pero mahal mo ba talaga ako?
Sa bawat away, ako ang unang lumalapit
Kahit ako ‘yung nasaktan,
Ako pa rin ang my kasalanan
Lahat ng gusto mo, sinunod ko ng buo
Pero 'yung simpleng "ikaw lang kailngan ko," di ko marinig sa'yo
OUTRO
Siguro ito na talaga ‘yung dulo ng sayang ‘to
Baka ‘di na maulit ‘yung ganito, ‘yung buo tayo
Tawa, kwento, kahit simpleng tinginan
Ngayon ko lang na-realize, ang hirap palang bitawan
Pero salamat, kasi andito ka
Andito ang lahat—puno ang alaala
Kung ito na nga ang huli nating araw
Sana maalala mo, di lang ako ung nagkulang ..
ako na lang ang lalayo… kahit ‘di ko gusto