[VERSE 1]
Parang ako na lang palagi ang may kasalanan...
Kahit ikaw na ang lumabag sa usapan...
Ako 'yung palaging sa'yo humihingi ng patawad...
Ginawa ko na ang lahat, pero kulang pa rin sa’yo
Binigay ko ang oras, pang-unawa, at buong pagkatao ko
Ngunit bakit ako pa rin ang laging
Ang sinisisi pag nag-away tayo
---
[CHORUS]
Bakit ganon, laging ikaw ang tama?...
Ginawa ko na naman para
Maging sapat para sa’yo
Binigay ko ang oras, pang-unawa, at buong pagkatao
Ngunit bakit ako pa rin ang laging mali
Sa paningin mo
---
[VERSE 2]
Bakit ganon, sa’ting dalawa
Sana kahit minsan, maramdaman mo
Yung sakit na tinatago
Sa bawat sinasabi ko—"okay lang"
---
[BRIDGE]
Pero ‘pag ako na nagsabi
Parang hindi mo naririnig
Mahal kita, ‘yan ang totoo
Pero ako... mahal mo ba ako?
Sa bawat away-bati
Kahit ako ‘yung nasaktan
Ako pa rin ang may kasalanan
Lahat ng gusto mo, sinunod ko
Pero simpleng sabihin
Na ako lang ang kailangan mo
Di mo kayang sabihin
---
[OUTRO]
Siguro ito na talaga ‘yung dulo ng sayang ‘to
Baka ‘di na maulit ‘yung ganito
‘Yung magkasama tayo na
Tatawa sa mga kwento, kahit simpleng tinginan
Mahirap ipaglaban
Kung ako na lang pala ang lumalaban
Pero salamat... kahit di na tayo
Lagi kang nandito sa puso ko
Puno ng alaala
Kung ito na nga ang huli nating araw
Sana malaman mo na sumugal din naman ako
Ako na lang magsasabi
Na tapusin na lang natin 'yung “tayo”
Kahit ‘di ko gusto