[Hook]
Sa’yo lang ako, wala nang iba
Ikaw ang rason, ba’t ako’y buo na
Kahit saan pa, ikaw ang kasama
Walang iwanan, hanggang sa dulo aica
Hawak kamay sa kahit anong laban
Ikaw lang sapat, ‘Pinapangarap eto na
Pangako ko , ‘di ka pababayaan
Ang puso mo sawakas hawak na
---
[Verse 1]
'Di ko inaasahan, bigla kang dumaan
Sa isang iglap, mundo ko'y bumaliktad
Di ako smooth talker, pero sa’yo, natuto
Lahat ng pick-up lines, bigla na lang naging totoo
Ikaw ‘yung tipong ‘
di ko kayang bitawan
Gusto kitang mahalin, ‘di lang basta ligawan
Stunned ako, sa ganda mo pa lang
Parang nawalan ng hangin, ako'y napatigil nang matagal
Di ko alam kung paano ko sasabihin
Na sa dami ng babae, ikaw lang ang gusto kong piliin
---
[Chorus]
Oh, baby, nung una kitang nakita
Parang ang mundo ko’y biglang tumahimik na
Di ko alam kung anong meron ka
Pero simula noon, ikaw na sa mata
Oh, ‘di ko mapigil, puso’y kumakaba
Sa bawat ngiti mo, ako’y nadadala
Sa unang tingin, ako’y nabaon na
Ikaw lang, ikaw lang talaga
Baby, ikaw na nga, ‘di na ako maghahanap
Kahit ‘di ko masabi nang diretso, sana ramdam mo ‘to, sapat
Kasi ‘pag kasama ka, parang panalo sa laro
Walang jackpot, pero ikaw yung premyo
---
[Verse 2]
Ngayon ikaw na nga, wala nang alinlangan
Akin ka na, ‘di ka na sasaktan
Pangako ko sa’yo, ako’y laging nandiyan
Sa saya’t problema, ako ang sandalan
Bawat luha mo, papalitan ng ngiti
Gagawin ko lahat, ‘di lang puro salita, baby
Akin ka na, ‘di na ‘to laro
Iaalay ko sa’yo ang buong puso ko
Kahit anong gusto mo, ibibigay ko
‘Di ka na maghahangad sa iba, ako na ‘to
Ikaw ang reyna, ako’y tapat na alagad
Sa kwento natin, tayo lang ang bida’t tapang
Na ikaw yung dahilan kung ba’t ‘di na ako tulad ng dati, bro
Ikaw ang peace sa gulo kong mundo
Kaya kahit ‘di ko masabi, sana ramdam mo ‘to
---
[Ending Chorus]
Oh baby, ngayon ikaw na'y akin na
Pangako ko, ‘di ka na masasaktan pa
Lahat ibibigay, wala nang kulang pa
Basta't ikaw, ako'y kontento na
Oh, ‘di ko mapigil, puso’y sayo na lang
Sa bawat yakap mo, ako’y nabubuo nang buo
Ngayon at kailanman, ikaw lang wala nang iba
Ikaw lang, ikaw lang talaga