Namimiss parin kita
Sa tuwing naaalala ka,
Di ko alam ang gagawin
Papano kita tatagpuin,
Gustuhin ko mang mangyare Hindi parin matutupad, Sapagkat ,Nasa ibang piling kana napadpad.
Aking nasasalat na sa piling ni bathala na kitay makakamtan at Doon nalang siguro nga matutupad ang matagal konang hinahangad, na makita ka't makasama ka't masambit ang mga mga salitang Mahal kita't di iiwan lupat langit man ating agwat gagawin ko parin lahat para lang makamtam ang matagal kong hinahangad.
Ikaw ay makasama ko , Pangako ko dina ako, mawawala sa piling mo,
alam ko rin naman na imahinasyon ko lang lahat ng to, Darating sa punto na gigising din ako, Pero ganun paman ok lang to, mahalaga nalasap ko, na makita ka't mahagkan ko kahit panandalian lang lahat ng to , Mahal kita't ito'y totoo tandaan mo ang mga salitang bibigkasin ko na mahal kita at wala nadun makakapag pabago gang sa huling hantungan ko.