Parang ako lang lagi ang may kasalanan...
Kahit ikaw na ang lumabag sa usapan...
Ako 'yung laging humihingi ng tawad...
Bakit ganon, laging ikaw ang tama?...
Ako na lang ba palagi ang tanga?...
Pag gusto mo, andyan ako agad
Pero ‘pag ako na, ..
parang wala kang pakialam
Bakit ganon, sa’ting dalawa
Ikaw lang ang laging panalo
Ako'y nauubos, ikaw ay buo
Wala bang halaga ang puso ko?
Kapag kailangan mo,
Nandyan agad ako
Pero ‘pag ako na, parang wala lang sayo?
Mahal kita, ‘yan ang totoo
Pero mahal mo ba talaga ako?
Sa bawat away, ako ang unang lumalapit
Kahit ako ‘yung nasaktan, ako pa rin ang naiipit
Lahat ng gusto mo, sinunod ko ng buo
Pero 'yung simpleng "kamusta," di ko marinig sa'yo
Siguro ito na talaga ‘yung dulo ng sayang ‘to
Baka ‘di na maulit ‘yung ganito, ‘yung buo tayo
Tawa, kwento, kahit simpleng tinginan
Ngayon ko lang na-realize, ang hirap palang bitawan
Pero salamat, kasi andito ka
Andito kayong lahat—puno ang alaala
Kung ito na nga ang huli nating araw
Sana maalala n’yo, ito ‘yung araw na tunay tayong masaya