[Intro]
Hmmm... Hmmm... Hmmm...
Verse1
Kaibigan, bakit lahat ng araw mo ay walang kapayapaan
Ang bawat gising sa umaga'y kita namin ang kalungkutan
Bakas sa mukha mo ang tindi ng pait
Na tila ba ito'y walang katapusan
Verse2
Kaibigan, magpakatatag ka palagi
Di ka nag iisa sa iyong dalamhati
Balikat ka namin sa lahat ng pasan
Umasa kang lahat may katapusan
Pre chorus
Huwag mag-alala-nandito kami
Mga kaibigan mong laging sa iyong tabi
Hindi ka namin pababayaang mag-isa
Karamay mo kami sa hirap at ginhawa
Chorus
Kaibigan, nandirito kami para sa'yo
Kaibigang higit pa sa iyong kadugo
Sasamahan ka namin hanggang dulo
Sa mahigpit na laban sa mundong ito
[Guitar solo with orchestra]
Verse3
Kaibigan, kung mayroon ka pang problema
Dito kami-magpapatawa at maglagay ng ngiti
Sa malungkot mong mga labi
Upang tuluyang mawala ang bigat ng pighati
Verse4
Kaibigan, ngayon ay masaya ka na
Salamat at ang pagsubok ay nagwakas na
Ang dalangin mo'y dininig na ng langit
Luha mo'y pinahiran-may ngiti at pag-asa
Pre chorus 2
Ngayon kaibigan-pangarap mo'y unti-unting nabubuo
Matatag ka at may mabuting puso
Ang katangian mo'y wala sa iba
Kaibigan naming tunay at pinagpala
Chorus 2
Kaibigan, napakapalad namin sa'yo
Ikaw ang inspirasyon at modelo
Sa mabigat na pagsubok-nalampasan mo
Ang katatagan mo'y tunay na aming lakas
(Repeat chorus 2)
[Coda]
Kaibigan...higit ka pa sa aming kadugo...
Hmmm... Hmmm... Hmmm...