Sa buhay natin may swerte at may malas
Sa pagitan nang dalawa nagkaiba
Sa paghubog at paglikha
Alagaan ang bawat sandali
Sapagkat hindi mouulit ang mga pagkakataon na nakamit
Pangako na pahahalagahan
Pangako na iingatan
Pangako na gagampanan
O diyos kong kaitaas taasan
Ikaw ay nagiisa lamang
Ako’y sayo
Iyong iyo
Kinabukasan natin ay nililikha
Ninuno ang nagmarka
Sa bangka na nilayag
Patungong hiraya sagwan ang kasama
Sa iyo kami nagmula
Sa iyo kami sasangguni
Sa iyo kami aasa
Sa sulat na ito nais kong mabatid sa iyo
Pagibig at pagasa na sa kapwa ipapasa
Salamat sa pagkakataon
Naway maibigay sa kapwa
At maintindihan ang pagkakasalamuha