O iho
Ikaw ay salamin ng aking pagkatao
Sa pagmamahal at pagaruga
Ikaw ang laging inuuna
Di baleng mag mukhang kalye
Di bale nang magamoy aso
Basta ikaw ay komportable
Kahit araw ay hahamunin
Sa pagtataguyod ng ihahain
Kaming haligi ay nagbabahagi
Para sa amin ang kaligayahan ay ikaw
Sana ay maintindihan kung minsan ay nagagalit
Sapagkat ayaw namin ikaw ay maligaw
Mapunta sa mga hangad ay pangsarili lang
Iho mahal na mahal kita
Pagdating ng panahon ay maiintindihan mo
Na ang mga ginagawa ko ay para sa iyo
Dito na tayo sa tabi
At hayaan na dumaloy ang buhay ng walang pangamba
Di ipagkakaakila na minsan ay lumuha
Dahil sa pagkukulang
Dahil sa mga bulong ng kalaban
Na lagi nakabungad sa bawat araw na dumaan
Ganunpaman ay wag magalala
Sa kanya tayo ay magtiwala