(Verse 1)
Pag a "i love you".... sa 'yong....mga magulang
O kay sarap pakinggan
Dahil ...dito...gumagaan at sarap ng pakiramdam
Ang maraming gawain
kahit anong pagod di iindahin
O kay sarap .... na dam'hin
Ang ihip ng hangin....
( CHORUS 1 )
" I love you Nanay , I love you Tatay
O kay sarap pakinggan
Pag ibig ay nangingibabaw sa ating tahanan...
(Verse 2)
Sa ating tahanan
Pagmamahalan , ang ating kinagisnan
Pag ibig .... ng ating mga magulang
Ay laging naramdaman
At sa murang isipan
Mababaw ang kasiyahan
Tanging sila ang siyang ilaw , ng ating tahanan...
( BRIDGE 1 )
Kung ating iisipin bilis ng panahon
Kasama natin sila ngayon
Sa pagpihit ulit ng panahon
Alaala na lamang iyon
(Verse 3)
Sa panibagong yugto ng ating buhay
Tayo'y naging magulang
Bawat kuwento natin ay batay
Sa ating karanasan
Na sa bawat tahanan ... na nagmamahalan
O kay saya O kay sigla...puno ng pagpapala
(CHORUS 3)
" I love you Nanay , I love you Tatay "
Kelan mo sasabihin ?
Huwag mo nang hihintayin
Hindi na sila kapiling....
"I love you Nanay , I love you Tatay "