Dugo’t pawis ko ang puhunan habang ikaw ay mabilis
Na lumimot sa pinagdaanan, ‘di mo man lang inalala,
Kada dolyar na pumasok, may kasamang luha’t kaba.
Pero pag‑uwi sa bayan, sinalubong ng lamig,
Ang puso mong naging bato, nawalan na ng tinig.
Naguluhan, nalito, biglang nag‑iba ang ihip,
Ang turing ko sa’yo ay ginto, abono lang pala sa isip Ako ang humakbang sa bagyo’t lagnat,
Ikaw sa likod, naghintay lang ng sikat.
Sabi mo ay tapat ,” kilos mo’y traydor at panggap
Sakripisyo ko — laro lang, anong klasing horror?
Wag umakto na parang ikaw ang biktima,
Bulok mong istilo — buong lugar may alam na!