Verse 1
Meron akong barkadang kakaiba
Lahat sila’y talentadong tunay
May sobrang galing mag-joke
Konting hirit, laging may birit
May isa namang ang galing man libre
Pagdating sa inuman, parang gangster gumasta
Yung pinaka-gwapo, utak ay nasa libro
Husay pang dumiskarte sa mga gwapa
Ngunit di mawawala sa barkadan
Ang mahusay sa eskwela
Subalit may pagka-stupid sa totoong life
Halos lahat ng sablay asa kanya
Chorus
Barkada noong kolehiyo, tawa hanggang umaga
Inuman sa tanghaling tapat, walang pakialam sa oras
May pera man o wala, tuloy pa rin ang saya
Basta kumpleto ang tropa, ayos na ang lahat
Mga lakad na now na now na, biglaang sibat ng bahay
Ibang-iba ang panahon noon, walang naka-abang na mata
Walang social media
Na humuhusga sa bawat kilos namin
Verse 2
Di rin nawala ang suliranin ng bawat isa sa barkada
May naging batang ama, katulad ko
Nandiyan din ang nalulong sa masamang bisyo, tulad niya..
May nawalan ng kalayaan
Dahil sa isang syotang mala-Hitler
Kung gumalaw, laging may utos at kontrol
At may lumantad na isa siyang bading-garzi sa bandang huli
Chorus (repeat)
Barkada noong kolehiyo, tawa hanggang umaga
Inuman sa tanghaling tapat, walang pakialam sa oras
May pera man o wala, tuloy pa rin ang saya
Basta kumpleto ang tropa, ayos na ang lahat
Mga lakad na now na now na, biglaang alis ng bahay
Ibang-iba ang panahon noon, walang naka-abang na mata
Walang social media
Na humuhusga sa bawat galawan namin
Bridge
Ngayon iba na ang lakad, iba na ang tono
May naiwan sa dating lugar, may napadpad sa ibang dako
Pero pag nagkita, tawa agad, walang hiya
parehong baliw ,Barkada rin kahit saan
May konting eksena, may konting gulo
Pero kung barkada ka, alam mo ang laro
Walang pikon, walang agawan ng chicks
Yan ang barkadan, walang kapantay san man mundo
Refrain
Barkadan sa pinas, kakamis ang samahan
Barkadan sa pinas, iba ka.. iba ka pramis!
Barkadan sa pinas, kwento mo ay carry ko san man ako ngayon sa mundo.