Mga bayani itinuring
Katumbas ng dugo at pawis
Minsan pay inaalipusta
Ng mga banyaga
Mababa ang tingin sa amin
Oo kami ay isang mga buhay
Na bayani na sa ibang bansa
Nagpapa alipin
Kasama ang aming
Pangarap para sa aming
Mahal sa buhay
Masasakit na salita, pagod at hirap
Na aming tiniis upang kami ay
Makapag bigay saya sa aming pamilya
May swerte, may hindi pinalad
Pero kalimitan talo
Lalo na sa pag uwi mo wala
Kana pamilya na binoboo
Temtasion lahat na andito
Minsa pa nga puro may
Pamilya ang nag kakarelasyon
Isipin mo sana kabayan bago
Tayo pumunta dito
Ang pangarap natin ay
Maibigay ang magandang
Buhay ng ating pamilya at mga anak
Hindi yong panandaliang aliw
na sa pag uwi natin
Ay ating pag sisihan
Dahil ang pamilya na iningatan
Ay nasira lang sa panandaliang aliw lang
Oo mahirap ang magiging ofw
Ang masasakit na salita ng ating
Mga amo, minsa pa kahit kapwa mo
Filipino ay syang nagpapahamak sayo
Laban lang sa pag subok ng buhay
Alam ko matapang ka at matatag
Sa hamon na darating
Sa bawat lakad o gagawin huwag kalimutan
Sa itaas manalangin
Sya lang ang sandalan
At hindi ang mga tao
Mapanlinlang at ikaw ay gagamitin
Sana paka isipin ang mga
anak sa lahat ng galaw
At gagawin
Huwag padala agad
Sa himugso ng damdamin
Kaya tayo sumasablay at nakalimotan
Na ang adhikain kong bakit andito tayo sa malayo
At nagpapaalipin