

Prompt / Lyrics
--- Verse 1 Ang daming tumatakbo sa isipan Nakakahilo, nakakalito ang dahilan Wala sa mood, mainit ang ulo ’Wag mo ’kong kausapin— dun ka muna sa dulo Pre-Chorus Hindi ko kailangan ng tanong mo ngayon Hindi ko rin hanap ang opinyon Kung di mo kayang makiramdam Mas mabuti pang umatras ka na lang Chorus Dun ka muna sa dulo, ’wag kang sisingit sa gulo Pagod na ’kong intindihin lahat ng paulit-ulit na dahilan mo Dun ka muna sa dulo, hayaan mo ’kong huminga Kung wala ka namang balak magsabi ng totoo tumahimik ka na lang muna Verse 2 Paulit-ulit na lang ang eksena Gagawa ka ng istorya Kwentong scripted, halata ko na - Kaya pakiusap tumigil ka na. Pre-Chorus 2 Hindi lahat kailangang ipaliwanag Hindi lahat kayang intindihin agad Napapagod na ako. Kaya konting katahimikan ang hanap ko Chorus Dun ka muna sa dulo, ’wag kang sisingit sa gulo Pagod na ’kong intindihin lahat ng paulit-ulit na dahilan mo Dun ka muna sa dulo, hayaan mo ’kong huminga Kung wala ka namang balak umunawa tumahimik ka na lang muna Bridge Hindi ako galit — Kahit mga salita mo’y paikot ikot lang Sabi mo’y ayos, sabi mo’y okay Pero sa dulo nagmumukha ka lang sinungaling . Final Chorus Dun ka muna sa dulo, hanggang matuto kang makinig Hindi ’to drama, hindi ’to arte tao lang din ako, napapagod din Dun ka muna sa dulo, hanggang kaya mo nang makita Na hindi Tama yang ginagawa mo. Outro Ang daming tumatakbo sa isipan At malabo pa rin ang dahilan Kung hindi mo kayang magsabi ng totoo Dun ka muna sa dulo….
Tags
Pop-Rap Lite, Film Ost, OPM Alternative Rock, male
2:48
No
12/15/2025