Verse 1
Tuwing gabi, ikaw ang tanaw
Sa bawat ikot, ikaw ang sigaw
Marami mang bituin sa kalawakan
Ikaw pa rin ang aking dahilan
Verse 2
Minsan may ulap sa pagitan
Minsan natatakpan ang liwanag
Pero alam kong nariyan ka,
At sapat na para sumaya kahit sandali lang.
Pre-Chorus
Kahit gaano pa kalayo
'Di maglalaho itong nadarama para sa'yo
Chorus
'Cause I'm the moon, and you're my world
Ikaw ang dahilan kung bakit ako umiikot
Sa bawat gabi, sa bawat sandali
Ikaw pa rin ang gustong makita palagi
Ako at ikaw
Parang awit na di kumukupas
At kahit magbago ang panahon
Ikaw pa rin, Ikaw pa rin hanggang dulo
Verse 3
May mga gabing tahimik lang
Walang liwanag na nasisilayan
Pero sa bawat dilim na dumarating
Ikaw ang dahilan kung bakit nananatili
Pre-Chorus
At kahit gaano pa kalayo
Wala pa ring magbabago
Chorus
'Cause I'm the moon, and you're my world
Ikaw ang dahilan kung bakit ako umiikot
Sa bawat gabi, sa bawat sandali
Ikaw pa rin ang gustong makita palagi
Ako at ikaw
Parang awit na di kumukupas
At kahit magbago ang panahon
Ikaw pa rin hanggang dulo
Bridge
Hindi ko man masabi sa'yo
Lagi kitang tinatanaw
Sa tahimik kong paraan
Ikaw ang gusto kong hantungan.
Outro
Ako ang buwan
At ikaw ang gusto kong maging mundo
Sa dami ng bituin,
Ikaw lang ang pipiliin,
Ikaw at ikaw lang...