Sa pagpatak ng ulan kasabay ang pagbuhos ng sakit
Na nararamdaman na pilit pinipikit.
Ang bawat araw na lumilipas
Ikaw ang ninanais makamit sa bawat saglit.
Pag ibig ko sayo parang alon sa dagat,
di tumitigil lalo na't malakas..
Pag ibig ko sayo parang agos sa sapa, Lumakas lalo na't may baha..
Napapagod na ba ang puso o sadyang wala na talaga.
May pag asa pa ba ang lahat,?
Ng ang sakit ay di na madama
Mahal kita kahit di mo magawang tumbasan ang labis na pagsisikap
Na ang lahat ay mapunan pero bakit tila balewala na
Ang lahat ibabaon na ba sa limot
At iyo ng tutuldukan ang pag-iibigan na minsa'y masaya.