Verse 1
Nakita kitang nakatawa sa gitna ng gulo,
Pero sa mata mo’y may lungkot na di mo matatanggi
Parang may laban kang di mo masabi kahit kailan
Ngumingiti ka, pero puso mo’y may luha
Pre-Chorus
Kilalang-kilala ko ang ganyang anyo
Dahil ganyan din ako, tulad mo, may aninong pagod
Chorus
Pareho tayong wasak, ikaw at ako
Magkaibang sugat pero parehong totoo
Sapagkagat ng dilim, sa pag sikat ng araw
Kahit hirap na hirap, tuloy pa rin ngayon
Oo, bali man tayo, di tuluyang nawawala
May tibok pa rin ang pusong nadarama
Pareho tayong wasak…
Pero ‘di nag-iisa, walang taong buo, dahil lahat tayo’y wasak sa ibat ibang paraan
Verse 2
Di ka man magsalita, ramdam ko ang bigat
Sa bawat katahimikan, may kwentong sugatan
Mga alaala mong pilit mong tinatakasan
Pero sa puso mo’y paulit-ulit bumabalik
Pre-Chorus
Hindi mo kailangang magkunwari
Kita kita—totoo ka sa’kin
Chorus
Pareho tayong wasak, ikaw at ako
Magkaibang landas pero parehong lito
Natuto na lang tayong mabuhay
Kahit ang sakit ay di nawawalay
Oo, bali man tayo, di tuluyang nawawala
May pag-asa pa sa pusong nadarama
Pareho tayong wasak…
Pero ‘di nag-iisa, walang taong buo, dahil lahat tayo’y wasak sa ibat ibang paraan
Bridge
Baka ang pagiging wasak ay simula rin
Ng paghilom na matagal nang hinihiling
Dahan-dahan, bubuuin ang dangal, hindi man sakto, Subalit heto susubok muli