[Intro]
Hindi ko maiwasan na titigan siya,
Hindi ko malaman kung bakit parang may kulang pa.
Kahit na anong gawin, bakit parang hindi ko magawang lumihis.
Kahit pa anong daan ang tahakin bakit ang punta ko ay sa'yo parin.
[Verse]
Hangin na kay lamig,
Nasaan na ang lambing?
Bakit kahit anong gawin,
Hiling ko'y Ikaw pa rin.
[Verse]
Naglakad patungo sa hilaga,
Nagbabakasakali na baka makalimutan ka.
Ngunit kahit saan ako dalhin ng aking mga paa,
Mukha mo pa rin ang gusto makita.
[Pre Chorus]
Hindi niya magawang ako'y paluhain oh woah woah.
Ngunit hindi niya din kayang ako'y pasayahin. Oh woah oh woah.
Ano ang dapat kong gawin?
Sana'y muling pagtagpuin.
[Chorus]
Ayoko ko nang maghintay pa,
Puso ko'y hirap nang magpanggap,
Ayaw ko nang lokohin pang sarili na baka bumalik ka pa.
Oh babalik ka ba?
Babalik pa ba?
Oh bibitaw na ba?
[Verse]
Sa lawak ng mundo, minsan kaya ako'y naisip mo?
Hinahanap mo din ba ako?
Kamusta ka na?
Mahal, ako pa ba?
Ang laman ng mga panalangin mo?
Dahil sa bawat dasal, ikaw ang panalangin ko.
[Verse]
Dalawang taong pinagtagpo,
Sa paglipas ng oras ay pinaglayo.
Ang tanging tanong,
Mahal bakit ba ako'y iniwan mo?
[Pre Chorus]
Narito pa ako, maghihintay pa rin sa'yo oh woah,
Umaasa na baka maisipan mo,
Na piliin ulit ako.
Umaasa na Sabihin mo,
Na mahal mo pa rin ako.
[Chorus]
Ayoko ko nang maghintay pa,
Puso ko'y hirap nang magpanggap,
Ayaw ko nang lokohin pang Sarili na baka bumalik ka pa.
Oh babalik ka ba?
Babalik pa ba?
Oh bibitaw na ba?
Vilon solo
[Bridge]
Oh hindi na ako natuto,
Patuloy pa rin ang tanong,
Kung saan ka nagtungo?
Bakit iniwan mo ako,
Sa pangarap na Ikaw Ang unang bumuo.
Sabi mo sa akin kailan man hay hindi ka lilisan,
Ngunit nasaan ka?
Ako ba'y mahal mo pa?
[Final Chorus]
Ayoko nang maghintay pa,
Mga mata ko'y Wala nang maiiyak na,
Puso ko'y unti-unti nang natatanggap na Wala ka na.
Ayaw ko nang lokohin pang Sarili na baka bumalik ka pa.
Ayaw ko nang bumalik ka pa.
Huwag ka nang bumalik pa.
Oh ako ay bibitaw na.
Oh ako ay bumitaw na.
[Outro]
Ako'y nakaalis na,
Sa mundo natin ako'y lumisan na.
Tama na,
Dahil ako ay nakabitaw na.
Ang isang tao,
Ngayo'y dalawa na.
Dalawang Tao.
Hindi muling magiging isa.