[Intro]
Hmmm hmmm woah woah woah
[Verse]
Sa'yong mga kamay ako'y nakahawak.
Sa'yong mga ngiti ako ay tila nawawala.
Lahat ay handang gawin ano man ang hamak.
Kung sa huli ay Ikaw Ang kapalit.
Ang yong matang Kay kislap,
Ang yong maamong mukha na lumiliwanag sa alapaap.
Kinukuha ako unti-unti para tuluyang mahulog sa'yo.
[Verse]
Hindi mo ba pansin? Oh woah
Ang aking pagtingin, ang aking mga matang sa'yo lang nakatingin.
Wala nang iba pang hahanapin.
Wala na
Oh Wala na.
[Chorus]
Hindi na makagalaw ang aking mga paa,
Hindi na makakurap ang aking mga mata.
Kapag nandiyan ka na ako ay natutulala,
Hindi ko alam...
Oh hindi ko alam...
Pag nandiyan ka ako ay nawawala.
[Verse]
Pansin mo ba ang iyong kapligiran?
Ako ang lupa na iyong tinutungtungan,
Ikaw naman ang langit na aking sinusulyapan.
Dalawang mundo,
Tila ba hindi magawang magtagpo.
Kaya naman ako'y mananatili nalang dito,
Maghihintay nalang sa'yo.
[Verse]
Simo'y ng hangin na dumadampi sa akin
Ang tanging hiling ay liparin ka papunta sa akin.
Palubog na ang araw, ngunit ang yong mukha ay kalmado pa rin.
Sana'y 'wag mong bitawan ang aking kamay,
Sa daang ito sabay tayong maglakbay.
Sa sayaw ng musika sumayaw tayo nang sabay.
[Pre Chorus]
Hawakan mo ako oh oh oh oh oh
Andito lang ako oh woah woah
[Chorus]
Hindi na makagalaw ang aking mga paa,
Hindi na makakurap ang aking mga mata.
Kapag nandiyan ka na ako ay natutulala,
Hindi ko alam...
Oh hindi ko alam...
Pag nandiyan ka ako ay nawawala.
[Guitar Solo]
[Bridge]
Sa paglubog ng araw nagsimulang pumatak,
Ang mga luha na matagal nang nagbabadya.
Kasabay nito ang ngiti sa aking labi habang patuloy na humihikbi.
Mahal kita kahit mahal mo ay iba.
[Outro]
Tanggap ko na ang katotohanan na ako'y hanggang tingin,
Oh hanggang tingin nalang.
Malinaw na sa akin, oh malinaw na. Ikaw at Ako Malabo nang mangyari pa,
Dahil ako ay hanggang tingin
Oo, hanggang tingin.
Oh hanggang tingin... Nalang...
Ako ay hanggang tingin nalang.