Isang maligayang bati
Sa iyong kaarawan aming alay.
Pag-ibig at biyaya,
Nawa’y lagi mong taglay.
Sa iyong mga mahal sa buhay,
Pagpalain kayo at ingatan.
Sa bawat araw ng iyong buhay,
Ang Diyos ay lagi mong sandigan.
Koro:
Maligayang bati sa iyong kaarawan,
Pagbating ito’y galing sa aming tahanan.
Dagdagan pa ng Diyos ang iyong mga taon,
Puspos ng biyaya, pag-ibig at pagpapala.
Kaya’t sa araw ng iyong kaarawan,
Puso’y magpasalamat sa Panginoon.
Sa bawat bukas na Kanyang ibibigay,
Nawa’y pagpalain ka magpakailanman.
Koro:
Maligayang bati sa iyong kaarawan,
Pagbating ito galing sa aming tahanan.
Dagdagan pa ng Diyos ang iyong mga taon,
Puspos ng biyaya, pag-ibig at pagpapala.