[Verse 1]
Aming sintang paaralan, duyan ka ng kagitingan
Nagsisilbing tahanan ng bawat kabataan
Sa iyo kami'y taos pusong nagpupugay
Sa bawat nakamit na tagumpay.
[Verse 2]
Taglay mo ang pagiging maka-Diyos
Sa damdamin at puso kami’y naging lubos
Naging maka-Tao ang aming mga kilos
Isinasapuso ang mga wastong utos.
[Chorus 1]
San Jose, mahal naming paaralan
Ikaw ang nagsisilbing tahanan
Humuhubog sa mga kabataan
Tungo sa maaliwalas na kinabukasan.
[Verse 3]
Pagmamahal sa kalikasan at kapaligiran
Ang sa ami’y iyong ipinaalam
Pag-ibig sa lupang tinubuan
Ikarangal ang ating Inang Bayan.
[Chorus 2]
San Jose, mahal naming paaralan,
Kailan ma’y hindi ka namin malilimutan
Dala namin ang matamis mong pangalan
Saan mang dako ang aming mapuntahan.
[Coda]
Mabuhay ka, mahal naming paaralan!