Panginoong Hesus
Ikaw ang aking Tagapagligtas at Panginoon. Pinupuri kita at pinaparangalan dahil sa Iyong walang hanggang pag-ibig at kabutihan. Salamat sa bawat araw na ibinibigay Mo sa akin, sa buhay, sa lakas, at sa mga biyayang nakikita at hindi ko man nakikita.
Lumalapit ako sa Iyo nang may kababaang-loob. Inaamin ko na Ikaw ang aking Panginoon at Tagapagligtas. Kung wala Ka, ako ay mahina at walang magagawa, ngunit ako ay pinalalakas ng iyong pagmamahal.
Salamat sa Iyong sakripisyo para sa aming mga kasalanan. Dahil sa Iyo, mayroon kaming pag-asa, kapatawaran, at bagong buhay. Gabayan Mo po ako sa bawat hakbang ng aking buhay upang maging tapat ako sa Iyo.
Lumalapit ako sa Iyo nang may kababaang-loob. Inaamin ko na Ikaw ang aking Panginoon at Tagapagligtas. Kung wala Ka, ako ay mahina at walang magagawa, ngunit ako ay pinalalakas ng iyong pagmamahal.
Tulungan Mo akong maging mabuti sa kapwa, maging mapagpasalamat sa lahat ng pagkakataon, at manatiling matatag sa pananampalataya. Nawa’y ang aking buhay ay maging papuri sa Iyo. Linisin mo oh aming Panginoong Hesus ang aking Puso at isipan at mga gawa ko maging kalugod lugod sa Iyo.
Lumalapit ako sa Iyo nang may kababaang-loob. Inaamin ko na Ikaw ang aking Panginoon at Tagapagligtas. Kung wala Ka, ako ay mahina at walang magagawa, ngunit ako ay pinalalakas ng iyong pagmamahal.
Pinupuri at pinasasalamatan Kita ngayon at magpakailanman aming Hari at Panginoong Hesus. Sa Iyo ko ibinibigay lahat ng karangalan at kaluwalhatian.
Dakilang Hesus na aming tagapag ligtas, Salamat.