

Prompt / Lyrics
payapa na ang puso yan ay dahil sa iyo. Pagmamahal mo bumalot sa mundo kong magulo. Noon para akong nawawala, hindi alam saan patungo, ngunit ng maramdaman ang pag ibig mo, para itong kamay na umakay sa akin, patungo sa aking tahanan, na kay tagal kong hinanap. ikaw ang pag ibig na, kay tagal kong gustong maramdaman. ikaw pala ang hinahanap ng pusong may kulang. Dahil sa pag ibig mo buhay ko ay nagbago kumalma ang paligid ko at bumagal ang takbo ng mundo dahil sa yo. akala ko noon dapat ng maging kontento sa kung ano aking tinatanggap. Ngunit ang puso ko sadyang may hinahanap. Kay tagal kong nagtiis bakit sa akin pag ibig ay kay pait bakit puro na lang pagtitiis. akala ko ganun lang talaga. Ngunit ngayon naliwanagan na. ikaw ang pag ibig na kay tagal kong gustong maramdaman. ikaw pala ang hinahanap ng pusong may kulang. Dahil sa pag ibig mo buhay ko ay nagbago kumalma ang paligid ko at bumagal ang takbo ng mundo dahil sa yo. Ngayon ay masaya na puso ko’y puno wala ng hinahanap pa. Pasasalamat ko sa Diyos, na ikaw ay kanyang ibinigay, sa buhay ko na makasama. Pangako ko sa iyo, ikaw lang ang mamahalin habang buhay na pag ibig ko’y sa yo. At akin naman hawak pangako mong ako lang ang iibigin mo. ikaw ang pag ibig na kay tagal kong gustong maramdaman. ikaw pala ang hinahanap ng pusong may kulang. Dahil sa pag ibig mo buhay ko ay nagbago, kumalma ang paligid ko at bumagal ang takbo ng mundo dahil sa yo. dahil sa yo mundo ko’y bumagal ang takbo. payapa na ang puso ko masaya sa piling mo.
Tags
slow love song pop female
4:14
No
2/27/2026