Verse 1
Sa gitna ng mundong nagmamadali,
Ang ikot ng buhay puno ng pangamba’t dali
Bawat oras may dalang kaba,
Walang nakakaalam kung anong bukas ang dala
Ngunit patuloy pa ring naniniwala,
Na ang bukas ay may biyayang kasama
Di ako takot sa araw na darating,
Sa Kanya ang tiwala, Siya ang kapiling
Chorus
Di ako uurong sa hamon ng umaga,
Dahil yakap ni Hesus ay aking yakap din
Di papadala sa takot ng pagsubok,
Alam kong ang Kanyang yakap ay kanyang alok, san man sulok ako naroroon
Verse 2
Ang kahapon ay lumipas, di na babalikan,
Sa tapang at dasal, bukas ay haharapin ko naman
Bawat hakbang ay may Kanyang gabay,
Sa gitna ng dilim, Siya ang ilaw at buhay
Outro
Yakap ni Hesus habang may buhay
Yakap ni Hesus kasing higpit ng kanyang mga pangako, Yakap mo ay aking kasama sa paglalakbay