Verse
Inibig na kita sa unang sulyap pa lang
Puso ko'y nabihag mo ng magtama ang ating mga mata
Hindi mapakali, sa isip ko'y hindi ka mawaglit
Kaya ang masilayan ka sa bawat saglit huwag mo sanang ipagkait
Pre-Chorus
Ikaw na nga ang babaing hinahanap ko
Ang nag-iisang kabiyak ng puso ko
Ikaw na sa Diyos, ay aking idinalangin
Ako ngayo'y wala ng ibang mahihiling
Chorus
Ang makasama ka habambuhay, hanggang sa pagtanda
Iibigin ng paulit-ulit at walang sawa
Mamahalin ka ng walang hanggan
Pag-ibig ko sa iyo'y walang katapusan
Bridge
Kumapit ka ng mahigpit at huwag bibitaw
Pagka't ikaw lang nais kong kaulayaw
Kumapit ka ng mahigpit at huwag bibitaw
Hangga't may tugtog Ika'y isasayaw