Nasa iyo ang puso ko
Bigay ng Diyos bilang pangako
Pag-ibig mo’y dininig
Sa akin ikaw ay pinalapit
Nang makita kita, tila ikaw ay kilala ko na
Saan ka ba galing na planeta?
Ika’y pag-ibig na hinintay
Dito sa aking buhay
Sa bawat sandali, ikaw ang kasama
Hawak ang kamay, sa hirap at ginhawa
Walang ibang nais kundi ikaw
Pangarap ko’y natupad, ikaw ang dahilan ng galak
Nasa iyo
Nasa iyo ang aking mundo
Pag-ibig na tunay, walang katulad ito
Sa’yo ko natagpuan ang saya
Ikaw ang biyaya mula sa Kanya.