Hindi na ako yung dating ako
Na nagagawa ang lahat ng gusto
Hindi na ako yung dating ako
Na kaya pang sumabay kahit kanino
Madalas mahirap pero mas madalas Nakakapagod
Hindi na ako yung dating ako
Na kaya pang harapin kahit sino
Gusto kong mawala kahit ilang minuto
Baka sakaling mapansin kahit segundo
Tanungin kung kaya ko pa ba?
Makakabangon pa ba?
Hindi na ako yung dating ako
Na minamahal ng kahit sino
Hindi na ako yung dating ako
Na kinagigiliwan ng lahat ng tao
Sana sa paglipas ng panahon
Ako ay maging isang kwento
Kwento na nagpasaya ng tao
Ngunit sa ngayon magpapaalam muna ako
Gusto kong mawala kahit ilang minuto
Baka sakaling mapansin kahit segundo
Tanungin kung kaya ko pa ba?
Makakabangon pa ba?
Gusto kong mawala kahit ilang minuto
Baka sakaling mapansin kahit segundo
Tanungin kung kaya ko pa ba?
Makakabangon pa ba?
Makakabangon pa ba?
Makaka bangon pa ba...