Verse 1
Hindi ko akalain
Na may mas mahigit pa sa akin
Di ko inaasahan ba't nagkaganito
Naging iba ang iyong mundo
Sabi mo noon " wala na kami"
Subalit ang totoo
Mahal mo pa rin siya
Kahit na tayo pa
Chorus
Mahal mo ba siya ?
Bakit di mo kayang magkatotoo?
Sa yakap ko'y mananatili ang lamig
Dahil puso mo'y nasa kanyang dibdib
Mahal mo ba siya ?
Bakit ako'y naging panakip ?
Kahit hawak ko'y kamay mo
sa isip mo'y siya pa rin ang gusto
Bridge
Saan ako nagkulang
Bakit ako'y naging daan
Papunta sa kanya
Ang sakit mong magsinungaling
Outro
Mahal mo ba siya ?
Oo...alam ko na ang sagot
Kahit ayaw kong tanggapin
Mahal mo pa rin siya ...
Mahal mo pa rin siya
Mahal mo pa rin siya ...sinta .