Sa murang edad, tinawag ng Maykapal,
Dala ang puso na dalisay at banal.
Ang sutanang itim na iyong sinuot,
Tanda ng pag-ibig na walang pag-imbot.
O Beato Rolando, martir ng ating panahon,
Sa gitna ng Dilim, ikaw ay naging hamon.
"Kay Kristo ako!" ang iyong isinigaw,
Sa puso ng Simbahan, liwanag mo'y lumilitaw.
Hindi natakot sa banta at panganib,
Tapat sa Eukaristiya, sa Panalangin nakasandig.
Dugo man ay dumanak sa gitna ng kagubatan,
Kailanman ay 'di ipinagpalit ang pananampalataya't karangalan.
Gawin mo kaming matapang tulad mo,
Na magmahal kay Kristo nang buong-buo.
Sa kabila ng pagsubok at pag-uusig sa mundo,
Sana'y maging tapat kami hanggang sa dulo.
O Beato Rolando, martir ng ating panahon,
Sa gitna ng Dilim, ikaw ay naging hamon.
"Kay Kristo ako!" ang iyong isinigaw,
Sa puso ng Simbahan, liwanag mo'y lumilitaw.
Beato Rolando Rivi,
Ipanalangin mo kami sa Panginoon.
Amen.