Verse 1
Kailan ko kaya kayo muling makikita,
Kailan ko muling mahahagkan ang inyong mukha?
Sa tuwing ako'y nangungulila
Luha ko'y kusang pumapatak, hindi mapigilan.
Pre-Chorus
Sa larawan n'yo na lamang ako nakatitig,
Hinahanap ang init ng inyong pag-ibig.
Mga alaala n'yo ang yakap kong natitira,
Doon ko na lamang muling nadarama ang saya.
Chorus
Sana makahiram ako ng oras sa Diyos,
Kahit sandali lang, sapat na ang lubos.
Mayakap ko kayo, masabi ang salamat,
Sa pagmamahal n'yong kailanma'y hindi kumupas.
Mahal na mahal ko kayo, habang ako'y nabubuhay,
Sa puso ko'y mananatili ang inyong gabay.
Verse 2
Paulit-ulit ko kayong kinakausap,
Kapag ang bigat ng dibdib ay hindi ko na kayang pasan.
Ibinubulong ko sa hangin ang bawat problema,
Umaasang kahit hindi ko kayo makita, naririnig n'yo pa rin ako.
Bridge
Marami pa sana akong gustong ikuwento,
Mga tagumpay at luha na nais kong ibahagi sa inyo.
Kung maaari lang sanang balikan ang kahapon,
Isang mahigpit na yakap lang ang aking hihilingin.
Final Chorus
Sana makahiram ako ng oras sa Diyos,
Kahit isang saglit lang bago muling magpaalam.
Mahagkan ko kayo, mayakap nang mahigpit,
At mapasalamatan sa lahat ng pag-ibig.
Hanggang sa araw na muli tayong magkita,
Dadalhin ko ang alaala n'yo sa bawat paghinga.
Mahal na mahal ko kayo...Mommy and Tatay
Magpakailanman.