sa'yo ako'y nakatingin
at aking dinadalangin
na sana ika'y mananatili
at manatili sa aking tabi.
ang pagpatak ng aking luha
sa aking mata'y may saya.
totoo ang aking nadarama,
ako'y masaya 'pag ika'y aking kasama.
sa'yo ako'y seryoso
at walang halong biro.
ikaw ay aking gusto,
ikaw lamang ang tinitibok ng puso.
kahit ano pang sabihin ng iba
hindi magbabago ang aking nadarama.
ika'y aking gustong makasama hindi
lamang sa panandaliang saya.