Hindi biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo
Para akong isang sira-ulong hilo't lito
Sa akin pang minanang piano, teklado'y pilit nilaro
Baka-sakaling mayro'ng tono, bigla na lang umusbong
Tungkol saan naman kaya'ng awitin para sa 'yo?
Hindi biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksiyonaryo, kung ang tugma'y 'di wasto
Basta't isiping 'di magbabago, damdamin ko sa iyo
Araw gabi ay nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit san magpunta
Araw gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw gabi tayong dalawa
Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid laman nitong dibdib
Tila sampung daang awitin ang natapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin
Araw gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n magpunta
Araw gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw gabi tayong dalawa
Araw gabi tayong dalawa, oh
Araw-gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n magpunta
Araw-gabi, nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw-gabi, tayong dalawa
Araw-gabi, tayong dalawa, ah