Verse 1:
Oh ako'y napapatulala kapag ikaw ang nasa isip
Iyong mga ngiting tila araw na sumisilip
Kagandahan mong hindi mawala sa isip
Oh mahal ikaw ay sadyang diyosang marikit
Chorus:
Mahal gusto kong malaman mong
Ikaw ang aking inspirasyon
Kahit na hindi ako ang iyong nasa puso
Ikaw at ikaw parin ang nilalaman ng aking puso
Verse 2:
Mga tawa mo'y tila ba musika
Mga labing namumukadkad sa ganda
Sa bawat titig ko sayo ako'y nanghihina
Kagandahan mo'y tila ba may mahika
Chorus:
Mahal gusto kong malaman mong
Ikaw ang aking inspirasyon
Kahit na hindi ako ang iyong nasa puso
Ikaw at ikaw parin ang nilalaman ng aking puso
Bridge:
Sa bawat saglit, ika'y iniisip
Di mapakali sa tuwing ika'y nakikita
Mahal ikaw ang aking sinisinta
Ikaw at ikaw lang talaga aking sinta
Outro:
Oh sinta, kagandahan mo'y walang kapantay
Oh sinta, mga ngiti mo'y napaka ganda
Oh sinta, ikaw ang tangi ko'ng pangarap
Ikaw at ikaw lamang ang aking ligaya oh aking sinta