[Intro: trumpet,synth brasse, ambient-reggae, 4 bars]
[Verse 1]
Isang bango ang humahalimuyak,sa bawat sulok ng kusina;
Aromang kay tagal ko nang alam; hindi nawawala.
Ang kumu-kulong sabaw; sa loob ng palayok.
Nagdadala ng kalinga sa nalalanghap na usok, nakalimutan saglit;
( palagi lang akong nag-iisa.)(hayy...)
Ang bawat sangkap, sibuyas, kamatis na makulay;
Binibigyang-kulay ang buhay, ginagawang mahusay.
[Verse 2]
Sarap-asim!(hmm), ay dahan-dahang naiiwan sa aking dila,
Isang banayad na anghang na nagpapakalma;
Sa 'king pagod na "katawang lupa."
Kahit mabigat ang pasaning aking dala bawat araw;
Sa mainit na mangkok ng "Sinigang," ako
Ay ina-aruga.
'Gulay 'gaya ng 'sitaw at biyaya ng siling 'haba;
Walang ibang lasa ang 'papalit sa sarap at init..
[Chorus]
Sa bawat higop, ang mga alaala ay binabalikan;
Ang init ng tahanan, yakap na walang katulad.
Sa simpleng sabaw, ang pagod 'kong kaluluwa ay nabubusog.
"Sinigang," ito ang nagpapangiti,sa 'tulad kong laging gutom...
[Inst: trumpet and brasses, 4 bars]
[Bridge]
Maaaring lumipas ang lahat sa pagdaloy ng panahon;
At agos ng ating buhay.
Ngunit sa pinggang ito, ang alab ng pag-ibig ay nananatili.
Kayamanan na matatagpuan lang sa "PAMILYANG NAGMAMAHAL"...
Walang papantay sa sarap ng "Sinigang" sa pagtatapos ng araw na; maulan!!!
[Chorus]
[Chorus]
Sa bawat higop, ang mga alaala ay binabalikan;
Ang init ng tahanan, yakap na walang katulad.
Sa simpleng sabaw, ang pagod 'kong kaluluwa ay nabubusog.
"Sinigang," ito ang nagpapangiti sa 'tulad kong laging gutom...
[Outro: Fade out with ambient trumpet, distant cartoonish bass]